Home

sniffing over "tuesdays with morrie"

  • May. 17th, 2006 at 9:11 PM
ilok
just finished reading the book the other night. nakakaiyak amp! finally, after almost a year since my sis liberty lend me the book natapos ko din basahin. ipinagpaalam ko nga sa kanya na baka di ko muna maibalik. gusto ko kase ipabasa sa iba yun. gusto ko mabasa ng tatay ko, nanay ko, kuya ko, kr ko. at iba ko pang kaibigan.

dami ko natutunan.

tagal ko na rin palang di naka-post dito.

pangarap ko (part 2)

  • Apr. 15th, 2006 at 11:12 PM
ilok
heto ang pinost ko sa peyups.com nang sagutin ko ang forum na "anong pangarap mo sa buhay?":

- makatugtog ng violin
- magturo
- makapagsulat ng play/book na maipagmamalaki
- makatulong sa magulang ko na mapagtapos ng pag-aaral ang mga kapatid ko
- matutong mabuhay na hindi iniaasa sa pera ang kaligayahan
- makahingi ng tawad sa mga kaaway ko at masabi ko sa mga magulang,kapatid,at kaibigan ko na love ko sila ng hindi ako nakokornihan
- mabuhay ng may kabuluhan para alalahanin ng mga tao ang araw ng pagkamatay ko.

sa tingin ko eto ang pinakamaayos na listahan ng pangarap na naisulat ko. di pa ako sigurado pero malakas ang kutob ko,hehehe.

imagine me and you

  • Apr. 10th, 2006 at 5:55 PM
ilok

imagine me and you

hahaha! )

siyanga naman

  • Apr. 3rd, 2006 at 8:17 PM
ilok
pagod na ko kakaisip. magpapahinga muna ako. salamat kina ringo sa paalala.. hehe..

.

angas sa maraming kontradiksyon

  • Mar. 26th, 2006 at 7:39 PM
ilok
iniisip ko kung tama pa ba ang mga nagiging tugon ko sa mga nangyayari. hindi ko pa rin alam kung ano ang gusto kong gawin. naiinis na akong maging mababaw at mag-isip kung ano ang susuotin sa graduation ngayong april 22. hindi ko na masakyan ang mga taga-UP na napakaraming reklamo. ang iba naman iniisip pa ang lakwatsa kesa sa maghintay ng oras para makadalo pa rin sa isang mahalagang pagtitipon.

naiinis na ako sa kababawan ko. minsan naiisip kong mas mabuti pang may bumaril na lang sa akin bigla (politically motivated or ligaw na bala)
eto pa.. )
ilok
nawawala
kung alam ko lang hindi siguro madilim ang nilalakaran ko ngayon, (yuck ang chummy ng pagkakasulat).

rare track

  • Mar. 20th, 2006 at 11:46 PM
ilok
i can't seem to find anything about the artist, jessica king, in the net. if you do have a link to any of her webpage please tell me, thanks. if you want to hear the song just visit http://radioblogclub.com/search/0/jessica_king

a case of you by joni mitchell

  • Mar. 17th, 2006 at 12:11 AM
ilok
a case of you


Just before our love got lost you said
"i am as constant as a northern star"
And i said, "constant in the darkness
Where's that at?
If you want me i'll be in the bar"

On the back of a cartoon coaster
In the blue tv screen light
I drew a map of canada
Oh canada
And your face sketched on it twice

Oh you are in my blood like holy wine
Oh and you taste so bitter but you taste so sweet
Oh i could drink a case of you
I could drink a case of you darling
And i would still be on my feet
Oh i'd still be on my feet


Oh i am a lonely painter
I live in a box of paints
I'm frightened by the devil
And i'm drawn to those ones that ain't afraid
I remember that time that you told me, you said
"love is touching souls"
Surely you touched mine
"cause part of you pours out of me
In these lines from time to time

Oh you are in my blood like holy wine
And you taste so bitter but you taste so sweet
Oh i could drink a case of you
I could drink a case of you darling
Still i'd be on my feet
And still be on my feet

I met a woman
She had a mouth like yours
She knew your life
She knew your devils and your deeds
And she said
Color "go to him, stay with him(her) if you can
Oh but be prepared to bleed"
Oh but you are in my blood you're my holy wine
Oh and you taste so bitter, bitter and so sweet
Oh i could drink a case of you darling
Still i'd be on my feet
I'd still be on my feet

Mmmmmmm

_______________________
amen...

wala sa sarili

  • Mar. 16th, 2006 at 9:56 PM
ilok
araw ng dabaw ngayon.

hapon na ako pumasok sa opisina. nanggaling ako sa bahay ni grace at nakatuwaan naming matulog buong umaga dahil sa 'di pagtila ng ulan buong araw. alam kong marami akong dapat na gawin para sa gaganaping piket bukas (sa pag-alala sa naganap na Jabidah masaker noong 1968, panahon ni Marcos).

pagkatapos naming uminom ng pop cola. tumuloy na ako ng opisina at sinimulang gawin ang trabaho ko. natapos ko naman sa awa ng kung sino mang dapat maawa sa kalagayan ko ngayon.

mahirap mawala sa sarili.

eto pa... )

mula sa kawalan ng maisusulat

  • Mar. 16th, 2006 at 9:30 PM
ilok
Madalas niyayapos ko ang isang panaginip
Na kumukulay sa akin nang sing-tingkad
ng isandaang pulang rosas
na natuyo
Hindi ko mawari ang kakaibang halina nito
Na tila bang puputulin ang aking hininga sa oras na aking bitiwan

Gaya ng isang nagmamakaawang kamay sa ibabaw ng kumunoy
Nilalamon ako nito ng buo

Gaya ng paru-parong nasilo
Pinapatay unti-unti

ang baliw ay humahabol ng kapwa baliw

  • Mar. 15th, 2006 at 7:16 PM
ilok
kagabi pagkatapos kong sumulat ng statement para sa presscon sumama na kong umuwi kay maimai sa boarding haus niya. iniwan ko sina lea sa opisina, sabi ko mga 9:30 bukas ng umaga darating na ako para ipa-edit pa ang statement at ayusin pa ang ibang nameplates.

pero, naisip ko agad na siguradong male-late na naman ako nito kinabukasan dahil walang katapusang paalam na naman kami ni maimai.

at yun na nga ang nangyari.

dapat bago mag alas-10 ng umaga ay nasa garden oases na ako (kung saan gaganapin ang press con). pero alas-10 na ng umaga ay nasa jeep pa ako na may 1 at kalahating oras na biyahe pa sa GO. at punyeta talaga dahil tinetext na ako ng mga kasama. hindi ko alam kung dadaan pa ba ako ng opisina para ayusin ang mga statements na di pa nae-edit at ihabol ang paggawa ng iba pang nameplates.

(to be continued...)

hinabol ako ng baliw nang araw na 'to. saka ko nalang itutuloy ang kwento.
ilok
it was around 10am of February 28 when nanay called me. sabi daw ni tatay uwi muna ako. when i asked her why, she said: patay na ang tito nap mo.

eto pa... )


http://news.inq7.net/regions/index.php?index=1&story_id=67861

http://beta.inq7.net/regions/index.php?index=1&story_id=68002

tang'nang mga pasista yan!

before striking the mayor

  • Mar. 7th, 2006 at 10:37 PM
ilok
i have been waiting for a text message from my boss, a prominent political leader here in the city. he's to inform me about our points on how to debunk statements made by our beloved notorious mayor. i don't think i can wait for him until tomorrow. i still have to submit the draft statement for editing before i send it out to media outfits. but i can't do it without him telling me what must i write about.

mula kay mykel andrada I

  • Oct. 1st, 2005 at 1:18 AM
ilok



Mga Kaibigan at Kasama,
Narito po ang dalawang munting ambag ko para sa
paghahanap ng hustisya para kay Ka Fort.

Mykel


______________________

TIMPLANG NESTLE
Michael Francis C. Andrada

Gumigising ka sa umaga,
Isinasalang ang takore’t
Hinihintay na ito’y sumipol.
Tsaka mo ipahahagkan
Sa takoreng nakanguso
Ang tasang may pingas ang labi.

Pinagmamasdan mong lumangoy
Ang mainit at madilaw na tubig
Sa nag-aalburotong sikmura ng tasa.
Kukunin mo ang basong-tahanan
Ng instant na kape – marungis
Tulad ng pasmado mong kamay.

Sisilipin mo ang loob nito. Matutunaw
Ang paningin mo sa kapeng naging
Kapiranggot na kendi – namawis
At natunaw dahil sa init, namuo
Dahil sa lamig. Isasalin mo ang tubig
Mula sa tasa tungo sa baso. Lalabo

Ang tubig. Pagwawalayin mo
Ang magkapagkit mong mga labi.
Maiisip mo, kung nagkataong dugo
Ang kape, anemic ito. Maaalala mo
Ang ang plakard sa inyong piketlayn:
“There’s blood in your coffee.”

Pagdating sa planta, nakapinid
Ang mga tarangkahan. Pero bukas
Na bukas ang inyong piketlayn.
Paulit-ulit mong itinatanong sa sarili
Kung bakit laging matabang ang kape
Sa iyong tahanan. Maaalala mong minsan,

May nagbiro sa ‘yo na sa pagtatrabaho
Sa kanilang kumpanya, ang kape mo’y tatapang.
Pero bakit ikaw at ang iyong mga kasama
Ang tumapang? Sasagutin mo rin ito:
Magbiro ka na sa lasing,
Huwag lang sa gising na gising.

mula kay mykel andrada II

  • Oct. 1st, 2005 at 1:12 AM
ilok

ISANG MALAKING KUMPANYA NG KAPE, GATAS AT TSOKOLATE,
WALANG PANGALAN

Michael Francis C. Andrada

I.
Nang ibalita ng ABS-CBN ang pagpaslang kay Ka Fort,
tila napaso ang dila ng istasyong nag-aastang
naglilingkod sa sambayanan. Diumano, ang niratrat ng
mga bala ay isang lider-manggagawa ng isang unyong
nakawelga sa planta sa Laguna ng “isang malaking
kumpanya.”

Magtataka ka pa ba kung bakit matapos ang balita ng
istasyong-tahanan ni Big Brother ay sumunod ang mga
patalastas ng kape, gatas, creamer, at tsokolate ng
Nestle?

Anong malaking kumpanya ang walang ipinamumutawing
pangalan?

II.
Minsan, may nagsabing hindi naman masama ang
kapitalismo. Na ang kasalanan ng mga kapitalista ay
maikakategorisa bilang “corporate irresponsibility.”

Minsan, may humabol pa: dapat magpasalamat ang mga
manggagawa sa nasabing malaking kumpanya dahil sila’y
binibigyan ng trabaho. Kahit kakarampot ang suweldo.
Dahil sa hirap ng buhay sa Pilipinas ngayon, masuwerte
na kung maempleyo ka, kahit subkontraktwal.

Ngunit ang hindi naililinaw ay ito mismo ang
responsibilidad ng kapitalismo: ang gumanyak ng
mamimili, ang lumikha ng pinakamaraming produkto sa
pinakamurang halaga ng paggawa upang lumikom ng
pinakamalaking kita.

Anong malaking kumpanyang kumikita ang walang
ipinamumutawing pangalan?

III.
Ang pagkatuso ng kapitalismo ay nagiging sining ng
paghalo sa “reyalidad” ng patalastas: na siyang
dumadaklot sa tao: tulad ng pagkutsarita mula sa
pakete ng instant black coffee patungo sa mainit na
katawan ng tubig: tulad ng pagkutsarita ng Nestle sa
maghapong pagpapakakuba ng mga katutubo, magsasaka’t
manggagawa.

Sa patalastas, hindi natutunghayan ang reyalidad ng
sistematikong pang-aalipin. Ang tanging nakikita ay
ang panghahagip ni Alex Compton sa babaeng iniirog sa
pamamagitan ng creamer ng isang malaking kumpanya. Ang
tanging nakikita ay ang pagnanais ng sanggol hindi sa
gatas ng sariling ina kundi sa gatas na ikinulong sa
lata.

Anong malaking kumpanya ang walang ipinamumutawing
pangalan?

IV.
Ito ang kabatiran:

Hindi ipinamumutawi ang pangalan ng isang malaking
kumpanya kung nababanlian siya ng mainit na kape, kung
nakukulong siya sa sariling lata ng gatas, sa sariling
plastik na kulungan.
Lalo’t higit kung may nakalalabas sa lata’t plastik na
piitan.
Dahil sa kapitalistang sistema, ang manggagawa’t
kapitalista’y hindi gatas at kape.
Dahil sa kapitalistang sistema, ang hindi nakikita ng
mata, nalalasahan ng dila.

Anong malaking kumpanya ang walang ipinamumutawing
pangalan?



------------

si Ka Fort ang pinaslang na lider ng unyon ng mga manggagawa ng Nestle.

ang pagbabalik ni kurdapya 'd great

  • Sep. 21st, 2005 at 12:56 AM
purple
sa wakas, matapos ang dalawang taon, natapos ko na ring isulat ang thesis ko!
eto pa... )

love,
kurdapya 'd great

what kind of fool am i?

  • Sep. 18th, 2005 at 12:19 PM
ilok
The Fool Card
You are the Fool card. The Fool fearlessly begins
the journey into the unknown. To do this, he
does not regard the world he knows as firm and
fixed. He has a seemingly reckless disregard
for obstacles. In the Ryder-Waite deck, he is
seen stepping off a cliff with his gaze on the
sky, and a rainbow is there to catch him. In
order to explore and expand, one must disregard
convention and conformity. Those in the throes
of convention look at the unconventional,
non-conformist personality and think What a
fool. They lack the point of view to understand
The Fool's actions. But The Fool has roots in
tradition as one who is closest to the spirit
world. In many tribal cultures, those born with
strange and unusual character traits were held
in awe. Shamans were people who could see
visions and go on journeys that we now label
hallucinations and schizophrenia. Those with
physical differences had experience and
knowledge that the average person could not
understand. The Fool is God. The number of the
card is zero, which when drawn is a perfect
circle. This circle represents both emptiness
and infinity. The Fool is not shackled by
mountains and valleys or by his physical body.
He does not accept the appearance of cliff and
air as being distinct or real. Image from: Mary
DeLave http://www.marydelave.com/


Which Tarot Card Are You?
brought to you by Quizilla

couldn't agree more. after this i would have to force myself and finish what i've started. i'm less than two weeks away from my thesis defense and i still have to finish the first and the last chapters. i'm planning to write something "me and my so-called self" after my thesis. *sigh*

oh well, i know things will get better after this week.. they must be! *scheming*

noong unang panahon...

  • Sep. 17th, 2005 at 8:56 PM
ilok
In a Past Life...

You Were: A Happy Go Lucky Belly Dancer.

Where You Lived: Israel.

How You Died: Buried alive.



wakekeke! bakit kaya ako inilibing ng buhay? siguro napaka-haragan ko nun! hehehe.. walang magawang matino sa buhay. kung sabagay, hanggang ngayon naman happy go lucky pa rin ako and i'd love to belly dance pero wala pa akong panahon ngayon. heheh.. at gusto ko ang kantang buried myself alive ng the used. coincidence? nah.. nag-effort lang talaga na ma-connect. *big laugh*

welkamparampampam!

  • Sep. 17th, 2005 at 2:39 AM
ilok
my first post! yey!

i am so hooked on the web right now (as in sa mga oras na 'to) hindi naman gaano halata no, at naisipan ko pang gumawa ng bagong blog kahit me mga importanteng bagay pa 'kong dapat tapusin like my thesis (which is sooo overdue). meron ka na po kaseng account sa blogdrive kaya lang me mga past memories ka dun kaya di mo na pinapansin. wakekeke!

bahala na. basta masaya 'ko ngayon kase andami kong na-download na songs. at eto pa, nakuha ko na yung "the scientist" ng coldplay yikeee! their music -- *slo mo headbang*

ayun.. eh bat pa ba ko gumagawa nito? *kamot-ulo*

oh well, so much for an amused user..

t a t a!

Advertisement

Latest Month

May 2006
S M T W T F S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031   

Syndicate

RSS Atom
Powered by LiveJournal.com